|
BAGUIO CITY
( officially the City of Baguio)
Isang highly urbanized na siyudad sa Hilagang Luzon sa Pilipinas. Kilala rin sa tawag na Summer Capital of the Philippines dahil sa klima dito. Ang Baguio City ay tagpuan ng iba't ibang tao at kultura sa buong Cordillera Administrative Region o CAR. Dahil dito ay maraming nais mamuhunan dito at magtayo ng negosyo. Ang Baguio City ay mayroong malaking industriya ng retailing at kilala sa iba't ibang produkto na kanilang ibinibida.
|
|
Baguio Strawberry
Strawberry. Ang bidang prutas sa Baguio City dahil sa uri ng klima meron dtio. Ilang minuto lang ang layo ng Baguio sa La Trinidad, Benguet na kung saan matatagpuan ang malawak na Strawberry Farm kaya di malayong maging sikat na produkto ang strawberry sa lugar na ito.
|
|
Baguio Strawberry
STRAWBERRY PRODUCTS |
|
Strawberry Jam |
|
Strawberry Ice Cream |
|
Strawberry Taho |
|
Baguio's Edible Products (Pasalubong)
Isa sa mga pangunahing pinupuntahan at binibili ng mga turista ay ang pasalubong na matatagpuan sa pasalubong center ng Baguio City. Dito matatagpuan ang iba't ibang produkto mula sa lenggua, peanut brittle, peanut butter, strawberry jam, strawberry wine, at marami pang iba. Dito matatagpuan ang mga pangunahing produkto ng Baguio City. |
|
Baguio's Pasalubong Center |
|
Baguio Vegetables (Highland Vegetables)
Ang mga gulay na nagmumula sa Baguio City ay kilala rin sa tawag na Highland crops or vegetables sa kadahilanang ito ay madalas tumutubo lamang sa mga mataas na lugar na may malamig na klima. Ang Cordillera Region ang nangungunang supplier ng mga Highland crops sa buong Pilipinas. Ilan na lamang sa mga ine-export nilang produkto ay ang lettuce, carrots, bell peppers, potatoes, cabbage, broccolli,cauliflower, mushrooms, chinese eggplant, zucchini, at maramipang iba.
|
|
Baguio's Hand Woven Products
Ang Baguio City ay kilala rin sa kanilang mga hand woven products gaya na lamang ng pitaka, souvenirs, decorations, at maging kasuotan gaya ng jacket at damit. Ito ay karamihang mahahanap sa mga product center at isa rin sa pangunahing dinadayo ng mga turista.
|
|
WALIS TAMBO
Ito ay isa sa pangunahing kasangkapan panglinis sa bahay at ang Baguio City ay kilala bilang isa sa mga gumagawa at nagbebenta nito. Dahil sa matibay at high quality na walis tambo, ang kanilang produktong ito ay isa sa pinaka mainam na gamitin sa paglilinis sa bahay. |
|
Baguio's Pure Honey Bee
Ang Benguet Province ay tahanan ng maraming apiaries o tagapangalaga ng mga bubuyog na kumukuha ng honey mula sa lupon ng mga bulaklak at halaman, kabilang na rito ang kape. Ito ay isang natural na produkto ng Baguio City na maraming pakinabang sa buhay ng tao.
|
|
Baguio's Wood Crafts
Ang mga Ifugao ay kilala sa paggamit ng mga lumang kahoy ng molave, narra, at kamagong bilang pangunahing panimula sa paggawa ng mga souvenirs gaya ng keychain, mga dekorasyon sa bahay, at mga kagamitang magagamit sa pangaraw-araw na pamumuhay ng tao. Karamihan sa kanilang mga produkto ay dinadayo pa ng iba't ibang tao mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas dahil ito ay nagpapakita ng kasaysayan ng Pilipinas at kagamitan ng mga sinaunang tao.
|
|
Baguio's Wood Craft Center
|
|
Baguio Plants
Dahil na rin sa pagkakaiba ng klima neto kumpara sa ibang parte ng Pilipinas ay merong mga uri ng halaman na dito lamang tumutubo at nabubuhay gaya ng lamang ng exotic orchids. Ang Baguio ay pangunahing exporter ng mga bulaklak at halaman sa buong Pilipinas na kadalasang napapakinabangan hindi lamang ng tao kundi pati narin mga hayop. |
KAKAYAHANG PANGDISKURSO
Siyudad ti Baguio sa wikang Ilokano ang Lungsod Baguio. Ito ay itinatag ng mga Amerikano noong 1900, at inilagak sa Kafagway na dating tirahan ng mga Tribung Ibaloy. Ginawang resort ng mga sundalong Amerikano ang Baguio noong panahong sakop ng Estados Unidos ang Amerika, matapos atasan ni Luke E. Wright si Daniel H. Burnham na gumawa ng plano ng lungsod. Ang pangalan ng lungsod na ito ay hinango sa salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay lumot, dahil kalimitang maraming tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman.
About the Author
Lorem ipsum dolor sit amet, cotur acing elit. Ut euis eget dolor sit amet congue. Ut vira codo matis. Sed lacia luctus magna ut sodales lorem.
0 comments